AKSIDENTENG SUMABOG ANG ISA DEMO GRENADE SA GENSAN SAMANTALA 1 PATAY, 6 SUGATAN

, , , , , ,


BUAYAN, GENERAL SANTOS CITY- Patay ang isang Army reservist samantala Sugatan naman ang bomb instructor nito kasama ang 5 pang mga army reservist sa nangyaring explosion sa kasagsagan ng demonstration training on ordinance reconnaissance sa loob ng headquarters ng12th Regional Community Defense Group sa Barangay Buayan, General Santos City nitong hapon lamang.


Base kay Col. Faisal Nawang, commander ng Army Reserved Command (Arescom), nagsasagawa umano sila ng Explosive Ordinance Reconnaissance Agent o EORA bilang parte ng training ng mga army reservist nang bigla na lamang aksidenteng sumabog ang demo grenade.




Kinilala naman ang namatay kay Master Sgt. Balansag matapos magtamo ng malalang tama sa kanyang abdomen samantala naputol naman ang kamay ng instructor nito na kinilala kay Technical Sgt. Soriano.



Nasa estable ng kalagayan ang 5 naman nitong mga kasamahan na nagtamo ng mga minor injuries.

Maalalang Culmination ngayon ng Tuna Festival sa lungsod ng Gensan kung saan nagdulot ng pangamba sa mga mamamayan ang kumalat na maling balita na isang eksplosibo umano ang tinapon.

Matatandaan na nitong tanghali lamang sa Presscon ni PNP chief Ronald Bato Dela Rosa nag-apela ito sa publiko na iwasang magpakalat ng hindi kumpirmadong mga impormasyon na hindi galing sa mga otoridad dahil magdudulot lamang ito ng panic.
Katuwang din dapat umano ang mga Lehitimong Media sa pagpapakalat ng tamang impormasyon.


Maalalang nito lamang byernes ng gabi, pinasabugan ang Roxas Night Market sa lungsod ng Davao kung saan hanggang ngayon ramdam pa rin ang takot ng mga mamamayan.

Source: Bombo Radyo
Photo: NASSER UDASAN

Leave a Comment

AKSIDENTENG SUMABOG ANG ISA DEMO GRENADE SA GENSAN SAMANTALA 1 PATAY, 6 SUGATAN AKSIDENTENG SUMABOG ANG ISA DEMO GRENADE SA GENSAN SAMANTALA 1 PATAY, 6 SUGATAN Reviewed by Tsismiso on 8:29:00 AM Rating: 5
Loading...
Powered by Blogger.